Wednesday, March 24, 2010

Kahit Maputi na ang Buhok Ko



Una ng pinasikat ni Mega Star Sharon Cuneta ang kantang P.S. I Love You at Mr. DJ, taong 1970's. Lalo pa niya tayong pinakilig sa kantang Kahit Maputi na ang Buhok Ko, na nagkaroon na rin ng ibat-ibang bersyon. At kung ilang dekada na ang lumipas, hit na hit parin ang kantang ito magpasa hanggang ngayon.

By Sharon Cuneta

Kung tayo'y matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin ooooooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa `yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw
Ang `yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Nang nakaraan sa `tin

Ang nakalipas ay ibabalik natin ooooooh
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko

Ang nakalipas ay ibabalik natin hmmmmmm
Ipapaalala ko sa `yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa `yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Kahit maputi na ang buhok ko


0 comments:

Post a Comment

Suggested Links