Tuesday, March 16, 2010

BOB ONG Love Quotes

Ikaw ba ay naguguluhan sa iyong Love Life? Hindi mo ba alam kung sino ang iyong iibigin? Nawawalan ka na ba ng gana sa relationship nyo?

Well, I think you are on the right page and article! I have collated these Love Quotes from Bob Ong.

Isa sa mga pinakamagaling na manunulat nang nakakatawa, nakakainspire at nakakatulong na mga libro.

Umpisahan mo na ang pagbabasa at habulin mo na ang mahal mo nang mapabago mo ang isip nya!


1. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

2. "Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

3. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

4. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

5. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.."

6. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

7. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."

8. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

10. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

11. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

12. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

0 comments:

Post a Comment

Suggested Links